^

PSN Palaro

Team Philippines tagumpay sa Paris

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines tagumpay sa Paris
Nagdiwang si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino matapos ang ika- 2 gold medal performance ni Caloy Yulo sa vault ng gymnastic event sa 2024 Paris Olympic.
POC

PARIS - Isang linggo na lamang ang nalalabi sa mga labanan ngunit nakamit na ng Team Philippines ang target nito sa 2024 Olympics at nakatuon pa sa mga medalya.

“Answered prayers. We already broke the record in the Olympics, that’s it,” wika ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

“This is destined for the Philippines, a destiny shaped by everyone’s efforts. Thanks to everyone’s support, the nation celebrates the milestones we’ve achieved,” sabi naman ni Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann.

Inangkin ni gymnast Carlos Yulo ang makasaysayang dalawang gold medals sa men’s floor exercise at vault sa artistic gymnastics para lampasan ang Tokyo 2021 breakthrough mula sa isang 19-strong contingent na nag-uwi ng isang gold, dalawang silvers at isang bronze.

Gumuhit na ng kasaysayan ang Pilipinas sa Tok­yo 2021 Games nang buhatin ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa.

Ngayon ay mas mara­ming medalya ang puntirya ng 22-strong delegation sa Paris 2024 Olympics.

“In just two days, Carlos Yulo brought home two gold medals, but we’re not stopping there,” ani Bachmann.

May tsansa pa sina Pinay boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas para sa Olympic gold, habang nakatakdang lumundag si EJ Obiena sa men’s pole vault finals sa Stade de France.

“Our weightlifters and golfers are equally eager to contribute. We commend everyone’s involvement in bringing the country back to glory. I am confident that all Filipinos are celebrating this special achievement like never before,” dagdag ni Bachmann.

Inaasahang susuportahan ng double-gold winner na si Yulo ang kanyang mga teammates.

“Yung iba hindi pa simula competition super proud na ako sa kanila. Alam ko kaya nila iyong gawin, magtiwala tayo na meron tayong pagasa na makuha ang gintong medalya,” wika ng 24-anyos na gymnast.

“Gusto ko maging safe sila. Ipagdadasal kong maging maganda ang performance at yung kalalabasang resulta. Be safe and enjoy the competition. Nandito na tayo, ibuhos na natin lahat,” ani Yulo.

vuukle comment

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with