Hero’s welcome ng Maynila para kay Caloy
MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Siyudad ng Maynila ang isang hero’s welcome para kay 2024 Paris Olympic Games gold medalist Carlos Edriel Yulo.
Ang 24-anyos na gymnast ay tubong Leveriza, Malate at nagsimulang mag-ensayo sa kanyang murang edad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.
“Our hearts leaped in our chests as Caloy leaped high in the air. We stomped our feet on the floor as Caloy nailed those solid landings that felt like earthquakes. Our eyes glowed in admiration as Caloy showed sure control as he executed that perfect handstand,” ani Manila City Mayor Honey Lacuna.
Inangkin ni Yulo ang Olympic gold matapos pagharian ang men’s floor exercise.
Nakisabay din ang mga Manileño sa pag-awit ni Yulo ng Philippine National Anthem.
“Tears welled up in our eyes and flowed in streams on our faces as the Philippine Flag rose in Paris. As Carlos cried tears of utter joy, we cried too,” wika ni Lacuna. “Our Outstanding Manilan Awardee is now an Olympic Gold Medalist!”
Bukod sa isang hero’s welcome ay bibigyan din ng Manila City si Yulo ng cash incentives at awards.
- Latest