EJ tatalon sa Finals
PARIS — Nakaramdam ng nerbiyos ang Team Philippines sa Stade de France kahapon ng umaga rito.
Ngunit pinawi ito ni EJ Obiena para umabante sa final round ng 2024 Olympics pole vault competition.
Matapos dalawang beses na mabigong malundag ang 5.6 meters ay sinubukan ni Obiena ang mas mataas na 5.7m sa kanyang third at final attempt na matagumpay niyang nalampasan.
Matapos ito ay nalundag ng World No. 2 ang 5.75m papasok sa medal play sa hanay ng 12 qualifiers na pinamunuan ni superstar titleholder Armand Duplantis ng Sweden.
Ito ang ikalawang pagkakataon na sasabak si Obiena sa Olympics pole vault final matapos sa Tokyo Games noong 2021.
Sampu pa ang nakatalon ng 5.75m kasama sina Valters Kreiss ng Latvia at Australian Kurtis Marschall na nagtala ng parehong 5.7m.
Ang iba pang nakapasok sa finals ay sina Sondre Guttormsen ng Norway, Greek Emmanouil Karalis, Ersu Sasma ng Turkey, Oleg Zernikel ng Germany, Memmo Vloon ng Netherlands, American Sam Kendricks, Chinese Huang Bokai at German Bo Kanda Baehre.
Magbabalik sila sa national stadium sa Lunes para pag-agawan ang Olympic gold.
Sibak naman sina Frenchmen Thibaut Collet at Anthony Ammirati, Piotr Lisek ng Poland at Ben Broeders ng Belgium.
- Latest