Boy or Girl?
Mainit na topic ngayon sa Paris Olympics ang gender issue ng dalawang female boxers ng Algeria at Taiwan.
Dehins sila transgender, meaning hindi sila pinanganak na mga lalaki. Pero may matataas silang levels na in a way, parang lamang ang pagkalalaki.
Kita sa pangangatawan nila. Kita sa mukha. At malamang, suntok lalake. Iba ang power.
Kaya may mga umalma bakit sila pinayagan sa Paris Olympics eh na ban nga sila sa 2023 Women’s World Championships. Bagsak sila sa gender eligibility test.
Pero eto sila sa Paris. Nasa 66kg si Imane Khelif ng Algeria at nasa 57kg naman si Lin Yu-ting ng Taiwan na pwede makalaban ni Nesthy Petecio sa medal rounds.
Sa isang laban ni Khelif, umayaw ang kalaban niya from Italy after only 46 seconds. Tumanggap ng ilang suntok sa mukha at ang feeling niya, nabasag ang ilong niya.
Siguro, sabi niya sa sarili niya, “Dehins babae ‘tong kalaban ko.”
Patuloy ang issue lalu na sa social media. Pero standing firm ang International Olympic Committee na since dehins transgender ang dalawa, pwede sila mag-compete. Taliwas ito sa decision ng International Boxing Association na dehins kasundo ng IOC.
Mainit ang issue. Kanya-kanyang opinion kaya respetuhin natin lahat.
Ang sabi pa ng IOC, dahil female sila sa mga official passports nila, pwede sila mag-compete sa women’s division.
Ang sa akin, huwag na passport ang tingnan. Kung ano sila sa birth certificate, ‘yun sila.
Kung lalake ipinanganak, eh di lalake. Kung babae, eh di babae.
Tapos.
- Latest