^

PSN Palaro

Aira mapapalaban sa French boxer

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Daraan sa matinding pagsubok si Aira Villegas dahil makakasagupa nito ang hometown bet sa quarterfinals ng 2024 Paris Olympics boxing competitions.

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos na ni Ville­gas ang lahat ng itinatago nitong lakas upang makahirit ng tiket sa semifinals ng women’s 50 kg division.

Kung makakapasok si Villegas sa semis, awtomatiko itong makasisiguro ng tansong medalya para sa Team Philippines.

Subalit kailangan muna nitong malusutan si Wassila Lkhadiri ng host France bago maisakatuparan ang inaasam na podium finish.

Aminado ang national coaching staff na mahirap makalaban ang host country sa mga ganitong sitwasyon dahil kadalasan ay pumapabor sa kanila ang kapalaran.

Kaya naman gumagawa na ng game plan ang kampo ni Villegas upang makuha ang panalo.

Nakapasok si Villegas sa quarterfinals matapos maitarak ang panalo kay Roumaysa Boualam ng Algeria sa round of 16.

“Hopefully, fair jud­ging,” ani Philippine Olympic Committee president  Abraham ‘Bambol’ Tolentino. “The Frenchwoman’s victory over favored Irish girl was controversial.”

Nakapasok sa quarterfinals si Lkhadiri nang makuha nito ang 4-1 desisyon laban kay Daina Moorehouse ng Ireland.

Ayaw na ng coaching staff na maulit ang nangyari kay Nesthy Petecio na natalo sa finals laban sa host Japan noong 2021 Tokyo Olympics.

vuukle comment

AIRA VILLEGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with