^

PSN Palaro

Team Philippines may tsansa pa sa gold

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines may tsansa pa sa gold
Nesthy

PARIS — Pinainit nina Tokyo boxing silver meda­lists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at world champion gymnast Carlos Yulo ang kanilang mga kampanya sa 2024 Olympic Games dito.

At sasalang naman si World No. 2 pole vaulter EJ Obiena sa aksyon sa Stade de France bukas.

Matapos ang unang linggo ng Paris Olympics ay umarangkada na ang Team Philippines para sa misyong makapag-uwi ng gold medal.

Hangad ng mga Pinoy athletes na malampasan ang 1-2-1 gold-silver-bronze breakthrough sa Tokyo noong 2021.

Nakatakdang labanan ni Petecio si home bet Amina Zidani sa women’s 57kg Round of 16 sa Paris North Arena kung saan target niyang masuntok ang ginto matapos ang nakuhang pilak na medalya sa Tokyo Games.

Lalangoy si Jarold Hatch sa men’s 100m butterfly sa national swimming stadium at babalik si rower Joanie Delgaco sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium para kumarera sa 19th hanggang 24th places sa women’s single sculls.

Hangad ni Obiena na makapasok sa pole vault final sa Lunes, samantalang babawi si Yulo sa kabiguan sa all-around event sa pagsabak sa men’s floor exercise finals.

“Tingin ko okay ako, nabigyan ako ng confidence,” wika ni Yulo.

Tumapos ang tubong Leveriza, Manila sa 12th place sa all-around event na dinomina ni Japanese Shinnosuke Oka kasunod sina Chinese Zhang Boheng at Xiao Ruoteng.

Naglista si Yulo ng 83.032 mula sa 14.333 sa floor exercise, 11.900 sa pommel horse, 13.933 sa rings, 14.766 sa vault, 14.500 sa parallel bars at 13.600 sa horizontal bar.

“Super grateful ako na healthy at naitawid ang competition (all-events final) na walang nangyari sa akin. Super grateful sa experience, ma­daming lear­nings as all-arounder. May nakuhang strategy at adjustments,” wika ni Yulo.

Paghahandaan naman ni Yulo ang floor exercise finals.

“Yun na rin po ang gagawin ko sa finals. Papagandahin ko na lang ang landing. Gagandahan ko ang execution,” wika ng Pinoy gymnast.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with