^

PSN Palaro

Creamline diretso sa ika-2 sunod

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline diretso sa ika-2 sunod
Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Cool Smashers matapos ang opening day loss para sa kanilang 2-1 record katabla ang Crossovers.

MANILA, Philippines — Bumanat si Bernadeth Pons ng 25 attacks bukod sa 23 excellent receptions para sa 25-20, 24-26, 25-16, 25-19 panalo sa Chery Tiggo sa Pool A ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Cool Smashers matapos ang opening day loss para sa kanilang 2-1 record katabla ang Crossovers.

“Siyempre, last game nine points lang iyong output ko. Personally, medyo disappointed ako sa naging performance ko kasi alam ko na I can do better, I can do more. Iyon ang naging motivation ko in this game talaga,” ani Pons.

Naglista si American import Erica Staunton ng 21 markers mula sa 20 attacks at isang block habang may 17 at 12 points sina Michele Gumabao at Bea De Leon, ayon sa pagkakasunod.

Matapos makadikit ang Chery Tiggo sa 19-22 sa fourth set ay umiskor naman si Risa Sato ng dalawang puntos kasunod ang hataw ni Pons para selyuhan ang panalo ng Creamline.

Pinamunuan ni American reinforcement Khat Bell ang Crossovers sa kanyang 31 points mula sa 31 attacks.

Sa unang laro, nalampasan ng Farm Fresh ang matinding hamon ng Ga­leries Tower, 25-22, 35-37, 23-25, 25-20, 15-10, para makapasok sa win column.

Pumalo si Columbian import Yeny Murillo ng 29 points mula sa 26 attacks, dalawang blocks at isang ace para sa 1-2 baraha ng Foxies.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with