^

PSN Palaro

Valdez nanawagan ng suporta sa Spikers’ Turf

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez nanawagan ng suporta sa Spikers� Turf
Alyssa Valdez
Philstar.com / Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Walang duda na humatak ng libu-libong fans ang 2024 Men’s Volleyball Nations League (VNL) na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Personal na nasaksihan ni Creamline star Alyssa Valdez ang suportang ibinigay ng Pinoy fans sa mga volleyball superstars ng VNL.

Kaya naman umaasa si Valdez na magpapatuloy ang suporta ng mga Pinoy fans hindi lamang sa mga VNL stars maging sa mga Pilipinong naglalaro sa Spikers’ Turf.

“We’ve learned a lot what more especially those volleyball-beginners, this is a good exposure for them,” ani Valdez.

Magandang simula ang VNL para maipagpatuloy ang momento sa Spikers’ Turf.

“Hopefully we can do better and improve and hope this could start people giving more attention to Spikers’ Turf. Let’s support the volleyball games as they support the other teams here in VNL,” ani Valdez.

Mismong si Valdez ay may fangirl mode sa VNL.

Nagpakuha pa ito ng picture sa ilang sikat na players gaya ni playmaker Micah Christenson ng Uni­ted States at outside hitter Yuki Ishikawa ng Japan.

Idineklara pa ni Valdez na isang volleyball nation na ang Pilipinas.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
19 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with