^

PSN Palaro

Gagate ‘di pakakawalan ng Zus Coffee

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Popormalisahin na lamang ng Zus Coffee ang pagkuha kay De La Salle University star at Alas Pilipinas member Thea Gagate bilang No. 1 overall pick sa kauna-unahang Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft.

Ito ay matapos manalo ang Zus Coffee, dating Strong Group Athletics, sa idinaos na draft lottery noong Lunes ng gabi.

Bago pa ito mangyari ay sinabi na ni Thunderbelles’ coach Jerry Yee na si Gagate ang kanyang kukuning top selection at isasama kina St. Benilde Lady Blazers hotshots Mich Gamit, Gayle Pas­cual, Jade Gentapa at reigning NCAA MVP Cloanne Mondoñedo.

Isa ang 6-foot-2 middle blocker sa mga naging susi sa title run ng Lady Spikers sa UAAP Season 85 at miyembro ng Alas Pilipinas na kumopo sa makasaysayang bronze medal sa 2024 AVC Challenge Cup for Women.

Nakatakda ang PVL Rookie Draft sa Hulyo 8 sa Novotel Manila Araneta City.

Nauna nang nakuha ng Flying Titans si veteran Dindin Santiago-Manabat para sa darating na 2024 PVL Reinforced Confe­rence.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
5 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with