^

PSN Palaro

Obiena hinablot ang ikalawang gold sa Poland

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena hinablot ang ikalawang gold sa Poland
Si EJ Obiena sa kanyang ikalawang panalo sa Poland.

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Asian champion Ernest John ‘EJ’ Obiena ang ikalawang sunod na gintong medalya nito matapos pagharian ang Memorial Czeslawa Cy­bulskiego sa Poznan, Poland.

Nagrehistro si Obiena ng 5.87m para masiguro ang unang puwesto.

Ito ang ikalawang pa­n­alo ni Obiena sa Poland ma­tapos unang masikwat ang ginto sa Irena Szewinska Memorial na ginanap sa Bydgoszcz kung saan nagtala ito ng 5.97m.

Pumangalawa lamang si Piotr Lisek ng host Poland na nagsumite ng 5.82m, habang puma­ngatlo si Hussain Asim Al Hi­zam ng Saudi Arabia na may 5.62m na naitala.

“Back to back competitions in Poland was definitely a blast. 5.87m here in Memorial Cybulskiego for the gold with a bonus meeting and stadium record. Thank you Poznan for the great time,” ani Obiena sa kaniyang post sa social media.

Mainit ang simula ni Obiena na mabilis na nakuha ang 5.62m kasunod ang 5.77m at 5.87m.

Sinubukan ni Obiena na abutin ang 6.01m subalit bigo ito.

Sa kabuuan ay may tatlong gintong medalya na si Obiena sa outdoor.

Unang humirit ng ginto si Obiena sa Los Angeles Grand Prix noong Mayo.

Sunod na sasabak si Obiena sa Meeting de Paris leg na bahagi ng Diamond League na idaraos sa Hulyo 7.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with