^

PSN Palaro

Gilas pinatumba ang Taiwan sa friendly match

Pilipino Star Ngayon
Gilas pinatumba ang Taiwan sa friendly match
Si Gilas assistant coach Sean Chambers kasama sina Japeth Aguilar, Kai Sotto at June Mar Fajardo.

MANILA, Philippines — Pinatumba ng Gilas Pilipinas ang bisitang Taiwan Mustangs, 74-64, sa sendoff friendly match kahapon sa Phislports Arena sa Pasig City.

Ang nasabing tuneup game ay bahagi ng paghahanda ng Nationals para sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Latvia.

Nagtayo ang Nationals ng isang 15-point lead, 17-2, galing sa three-point shot ni Dwight Ramos sa 5:01 minuto ng first quarter bago nakalapit ang Mustangs sa 32-34 mula sa basket ni dating PBA guard Rashwan McCarthy sa 3:44 mi­nuto ng second period.

Tinangay ng Gilas ang 37-32 halftime lead hanggang maghulog ng isang 17-7 bomba sa likod ni Justin Brownlee para mu­ling iwanan ang Taiwan sa 54-39 sa 2:48 minuto ng third canto.

Ang basket ni 7-foot-2 Kai Sotto sa huling 2:00 minuto ng fourth quarter ang nagbigay sa Nationals ng 58-44 kalamangan.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with