^

PSN Palaro

Ajido, Mojdeh brothers bumida sa MOS awardee

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ajido, Mojdeh brothers bumida sa MOS awardee
Isa si Mikhael Jasper Mojdeh sa nahirang na Most Outstanding Swimmer (MOS) sa 2024 PAI National Age Group Championships.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Hinirang sina Asian junior record-holder JamesRay Mishael Ajido at magkapatid na Mohammad at Mikhael Jasper Mojdeh bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee ng 1st Philippine Aqua­tics, Inc (PAI) National Age Group Championships kahapon sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Bumandera si Ajido sa boys 15 Class A 100m backstroke at 50m freestyle sa naitalang 1:02.44 at 24.87, ayon sa pagkakasunod, para makumpleto ang dominasyon sa kanyang dibisyon sa torneo na nagsilbing launching pad para sa national ranking system ng PAI at itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at Speedo.

Bigo naman ang De La Salle University student sa 200m butterfly ma­tapos manigas ang kan­yang kanang balikat na nagbigay daan para kay Rodevic Gonzalvo ng Green Blasters na agawin ang tagumpay mula sa oras na 2:12. 44.

Sumegunda si Ajido sa kanyang tiyempong 2:19.03 kasunod si Ashton Clyde Jose na may 2:26.35.

Samantala, nagdagdag si Mikhael Jasper ng tatlong ginto sa Class A boys’ 9-year kung saan pinagha­rian nito ang 50m butterfly (38.60), 100m freestyle (1:16.98) at 100m breaststroke (1:51.66).

Bumanat naman si Madi ng dalawang ginto sa Class A boys’ 13-year 200m breaststroke (2:43.81) at 50m butterfly (29.80) habang pumangalawa ito sa 100m freestyle (1:02.26).

Matikas din si Micaela Jasmine Mojdeh  na galing sa two-bronze medal finish sa 13th Asean Schools Games sa Vietnam — matapos sumisid ng dalawang ginto sa Class A girls’ 17-over 400m freestyle (4:39.93) at 200m breaststroke (2:46.31) habang umani pa ito ng isang pilak sa 50m butterfly (29.27).

Maliban sa Mojdeh siblings, hakot din ng dalawang ginto si Yugo Cabana sa Class A boys’ 14-year 100m freestyle (57.54) at 50m butterfly (28.17), at isang pilak sa 50m backstroke (32.27).

May ginto rin si Annika Quinto sa Class A girls’ 13-year 100m freestyle (1:06.24) at dalawang pilak sa 50m backstroke (35.63) at 50m butterfly (33.56).

vuukle comment

RMSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with