^

PSN Palaro

Gilas training camp lalarga na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas training camp lalarga na
Tim Cone.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Nakatakdang magbalik-ensayo ang Gilas Pilipinas sa Hunyo 21 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para paghandaan ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na papalo sa Hulyo sa Riga, Latvia.

Umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makukumpleto ang kanyang tropa lalo pa’t gahol na naman sa oras ang preparasyon para sa Olympic qualifiers.

Hindi naman mamadaliin ni Cone ang mga players na naglaro sa katatapos na PBA Philippine Cup finals sa pagitan ng Meralco at San Miguel Beer na napagwagian ng Bolts via 4-2 sa best-of-se­ven championship series.

“We will be cognizant of the players that just finished the Finals during our practice routines. We expect all of the 12 to be there.  We have very limited prep time, so we really need all hands on deck,” ani Cone.

Tatlong miyembro ng Gilas  ang naglaro sa finals.

Ito ay sina seven-time PBA MVP June Mar Fajardo at CJ Perez ng Beermen at si Chris Newsome ng Bolts na siyang itinanghal na Finals Most Valuable Player.

Inaasahang sandali lang magpapahinga sina Fajardo, Perez at Newsome para agad na ma­kasama ang Gilas sa trai­ning camp.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with