^

PSN Palaro

Cone binigyan ng credit si Reyes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone binigyan ng credit si Reyes
Chot Reyes.
FIBA

MANILA, Philippines — Maganda ang itinatakbo ng Gilas Pilipinas sa ilalim ng pangangalaga ni veteran mentor Tim Cone.

Ngunit hindi nakakalimutan ni Cone na bigyan ng credit si dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na nagbuhos din ng sakripisyo para mapaganda ang estado ng national team.

Kabilang na rito ang pagtatanim ni Reyes sa isipan ng bawat player ng Gilas Pilipinas na kaya nilang makipagsabayan sa mga world-class players.

Isa sa mga patunay nito ang magandang resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas noong 2014 FIBA World Cup sa Seville, Spain kung saan ilang teams ang pinahirapan nito gaya ng Argentina, Croatia, Greece at Puerto Rico.

“I feel like Chot Reyes gave us the feel that we could play with these guys. He did it in 2014, when we stayed close against Argentina all the way to the last minute, and just lost the games. But he proved to us we can play with these guys,” ani Cone.

Nasaksihan ito ni Cone.

Sa katunayan, bahagi si Cone ng coaching staff ng Gilas Pilipinas na naglaro sa 2023 FIBA World Cup noong hawak pa ni Reyes ang koponan.

“It’s the same with the World Cup in 2023. We were there with the Dominican Republic. That Gilas group gave us an idea that yeah, we can compete with these teams.  We just gotta figure out a way, get over the hump,” ani Cone.

Ito ang parehong mentalidad na ibibigay ni Cone sa Gilas Pilipinas lalo pa’t muling mapapalaban ang tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo sa Riga, Latvia.

Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang host Latvia at Georgia sa group stage ng Olympic qualifiers.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with