^

PSN Palaro

High Speed Hitters lalapit sa semis spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
High Speed Hitters lalapit sa semis spot
Muling sasandigan ng PLDT ang tikas ni Fil-Ca- nadian Savi Davidson laban sa Chery Tiggo.
PVL

MANILA, Philippines — Magtutuos ang dalawang koponang sumasakay sa winning streak na nagpatibay sa kanilang tsansa sa semifinal round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Target ang kanilang ikaanim na dikit na pa­nalo, sasagupain ng High Speed Hitters ang mainit ding Chery Tiggo Crossovers ngayong alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon maghaharap ang Petro Gazz Angels at Cignal HD Spikers.

Nasa itaas ng team standings ang Choco Mu­cho hawak ang 8-1 baraha kasunod ang PLDT (7-1), nagdedepensang Creamline (7-2), Petro Gazz (6-2), Chery Tiggo (6-2), Cignal (5-3), Akari (4-5), Nxled (3-6), Galeries Tower (3-6), Farm Fresh (2-7), Capital1 (1-8) at Strong Group Athletics (0-9).

Matapos matalo sa Gazz Angels noong Marso 2 ay sunud-sunod na pinatumba ng High Speed Hitters ang Solar Spikers, Flying Titans, Foxies, Chargers at Athletics.

Nagliliyab naman ang Crossovers sa apat na sunod na ratsada para tumabla sa Gazz Angels.

Sa panalo sa SGA ay hindi masyadong ginamit ni PLDT coach Rald Ricafort ang kanyang mga star players sa pamumuno ni Fil-Canadian Savi Davidson.

“Ang naitulong ng game na ito is less iyong load doon sa core na kahit papaano parang nadagdag na ito doon sa enough rest na kailangan nila para makapagsimula na kami nu’ng hell week,” ani Ricafort.

Target naman ng Chery Tiggo ang pang-limang dikit na arangkada matapos talunin ang Cignal, 26-24, 25-20, 26-24, sa huli nilang laro noong Abril 11.

“May mga bagong play na, ‘Oh kapag ito ‘yung kalaban, puwedeng ito gawin mo. Malaking bagay ‘yung guidance. Work in progress talaga ‘yung jelling inside and outside the court,” ani Crossovers star Eya Laure.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with