^

PSN Palaro

James, Davis itinakas ang Lakers sa Grizzlies

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS, Tenn. — Nagsalpak si LeBron James ng 37 points at kumolekta si Anthony Davis ng 36 points at 14 rebounds para pamunuan ang 123-120 paglusot ng Los Angeles Lakers sa Grizzlies.

Tiyak nang maglalaro ang Los Angeles (46-35) sa Western Conference play-in round at nakikipag-agawan na lamang sa posisyon.

Umiskor si GG Jackson ng 31 points sa panig ng sibak nang Memphis (27-54) habang naglista si Scotty Pippen Jr. ng career-high 28 markers.

Ang dalawang free throws ni Jake LaRavia sa huling 1:06 minuto ng fourth period ang nagbigay sa Grizzlies ng 118-117 bentahe kasunod ang drive at dalawang free throws ni James para sa paglayo ng Lakers.

Sa Oklahoma City, tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points para igiya ang Thunder (56-25) sa 125-107 paggupo sa Milwaukee Bucks (49-32).

Sa Cleveland, kumamada si Donovan Mitchell ng 33 points para tulungan ang Cavaliers (48-33) sa 129-120 pagdaig sa Indiana Pacers 46-35).

Sa Sacramento, humataw si Kevin Durant ng 28 points habang nagsalpak si Jusuf Nurkic ng isang free throw sa 108-107 pagtakas ng Phoenix Suns (48-33) sa Kings (45-36).

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with