^

PSN Palaro

HD Spikers hahanap ng signal kontra sa Foxies

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
HD Spikers hahanap ng signal kontra sa Foxies
Lalabanan ng HD Spi­kers ang Foxies ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang bardagulan ng mga ku­lelat na Nxled Chameleons at Strong Group Athletics sa alas-6 ng gabi.
PVL image

MANILA, Philippines — Hangad ng Cignal HD na makabangon mula sa ka­biguan sa pagsagupa sa Farm Fresh sa 2024 PVL All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lalabanan ng HD Spi­kers ang Foxies ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang bardagulan ng mga ku­lelat na Nxled Chameleons at Strong Group Athletics sa alas-6 ng gabi.

Tabla sa top spot ang nagdedepensang Creamline, PLDT Home Fibr at Cho­co Mucho sa magka­ka­pareho nilang 6-1 kartada sa itaas ng Petro Gazz (5-2), Chery Tiggo (5-2), Cignal (4-2), Farm Fresh (2-4), Akari (2-5), Galeries Tower (2-5), Nxled (1-5), Capital1 (1-6) at SGA (0-6).

Nadiskaril ang hangad na back-to-back wins ng HD Spikers nang yumukod sa Cool Smashers via five-set loss.

Laglag naman ang Fo­xies sa dalawang sunod na kamalasan matapos wa­lisin ang Crossovers.

Sina Vanie Gandler, Ces Molina, Jovelyn Gon­za­ga, Roselyn Doria at Riri Meneses ang muling sasandigan ng Cignal katapat sina Trisha Tubu, Chinnie Arroyo, Rizza Cruz, Alyssa Bertolano, Kate Santiago at Louie Romero ng Farm Fresh.

Sa ikalawang laro, pilit na­mang bubuhayin ng Nxled at SGA ang kanilang mga pag-asa.

Dalawang dikit na ka­ma­­lasan ang nalasap ng Chameleons, samantalang hindi pa nananalo ang Athletics sa anim na laban.

vuukle comment

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with