^

PSN Palaro

Bossing biniktima ang Tropang Giga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bossing biniktima ang Tropang Giga
Blackwater's Rey Nambatac (27) had a debut to remember for the Blackwater Bossing.
PBA Images

MANILA, Philippines — Matapos si Rey Nam­ba­tac, si Troy Rosario na­man ang nagdala sa Blackwater para talunin ang TNT Tropang Giga, 87-76, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot ang 6-foot-7 na si Rosario ng 20 points, 6 rebounds, 1 assist at 1 steal para sa 2-0 record ng Bossing, habang may 15 markers, 8 assists at 7 boards si point guard RK Ilagan.

Nauna nang kumama­da si Nambatac ng 27 points at career-high 10 assists sa kanilang 96-93 pagtakas sa Meralco.

“Tonight was really, real­ly a team effort,” ani coach Jeff Cariaso. “I don’t use it loosely because it was real­ly a necessity and need when we play against a big team like Talk ‘N Text.”

Binanderahan ni Calvin Oftana ang Tropang Giga, may 1-1 baraha ngayon, sa kanyang 21 points kasunod ang 12 markers ni Jayson Castro.

Inilista ng Blackwater ang 12-point lead, 72-59, mula sa three-point shot ni James Kwekuteye sa pagbubukas ng fourth period.

Naputol naman ito ng TNT sa 65-72 agwat sa li­kod nina Castro, Brandon Ganuelas-Rosser at Henry Galinato sa 8:47 minuto nito.

Ngunit isang 13-0 atake ang iginanti ng Bossing tampok ang triple ni Ilagan para sa kanilang 85-65 bentahe sa 5:03 minuto ng laro.

vuukle comment

REY NAM­BA­TAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with