^

PSN Palaro

Gazz Angels winalis ang High Speed Hitters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels winalis ang High Speed Hitters
Inatake ni Brooke Van Sickle ng Petro Gazz si Kim Fa- jardo ng PLDT.
PVL

MANILA, Philippines — Dinomina ng Petro Gazz ang PLDT Home Fibr via straight sets, 25-16, 25-23, 25-21, sa 2024 PVL All-Filipino Con­ference ka­ha­pon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagposte si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 23 points mula sa 21 attacks, 1 block at 1 ace para bande­rahan ang 2-1 baraha ng Gazz Angels.

Sinapawan niya si Fil-Ca­­nadian Savi Davison na bumira ng 19 markers sa panig ng High Speed Hitters na bigong ilista ang ikatlong sunod na panalo.

May 13 points at 10 digs si Jonah Sabete para sa Petro Gazz na nagtayo ng 23-19 abante sa third set.

Si Joy Dacoron ang pu­malo sa match-clinching ace laban sa PLDT.

“We’ve learned from our last game versus Choco Mucho and coach Koji (Tsuzurabara) immediately addressed those errors namin noong last game,” ani assistant coach Stephen Patrona.

Samantala, humataw si Ces Molina ng 14 points mula sa 12 attacks at 2 aces para gabayan ang Cignal HD sa 25-14, 25-16, 25-17 pagpapaguho sa Galeries Tower.

Sa likod ni Molina, ang 2023 PVL In­vitational Conference MVP, ay itina­la ng HD Spi­kers ang 2-0 kar­tada at inihulog ang High­risers sa 0-2 marka.

“Ang sarap ng pakiramdam ulit, siyempre panalo. But siyempre, mas kaila­ngan ulit naming manalo after this. Thankful and hap­py,” sabi ni coach Shaq Delos Santos.

Nag-ambag si Vanessa Gandler ng 7 points at may tig-6 mar­kers sina Jovelyn Gonzaga at Rose Doria para sa Cignal na nakahugot kay Macandili-Catindig ng 14 digs.

May 9 points si Ysa Ji­­menez para sa Gale­ries.

vuukle comment

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with