^

PSN Palaro

Curry-Kuminga duo nagpanalo sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

TORONTO , Philippines — Nagbagsak si Stephen Curry ng 25 points kasama ang pitong triples kasunod ang 24 mar­kers si Jonathan Ku­minga para sa 120-105 pa­nalo ng Golden State Warriors laban sa Raptors.

Nag-ambag si Moses Moody ng 17 points, habang may 14 markers si Klay Thompson para sa ikatlong sunod na ratsada ng Golden State (32-27) na nakahugot kay Draymond Green ng 13 rebounds.

Umiskor si RJ Barrett ng 23 points sa panig ng Toronto (22-38) at humakot si Kelly Olynyk ng 16 points at 10 rebounds.

Kinuha ng Raptors ang 64-61 halftime lead bago humataw ang Warriors ng 32 points sa third quarter pa­tungo sa panalo.

Sa Boston, humataw si Jayson Tatum ng 32 points sa 138-110 dominasyon ng Cel­tics (47-12) sa Dallas Mavericks (34-26).

Sa Minnesota, iniskor ni Malik Monk ang 35 sa kanyang 39 points sa second half para giyahan ang Sacramento Kings (34-25) sa 124-120 overtime win sa Minne­sota Timberwolves (42-18).

Sa Chicago, kumolekta si superstar forward Gian­nis Anteto­kounmpo ng 46 points at 16 rebounds sa 113-97 paggiba ng Milwaukee Bucks (40-21) sa Bulls (28-32).

Sa New Orleans, hu­mu­­­­­got si Brandon Ingram ng 19 sa kanyang 34 points sa franchise re­cord-tying na 48-point first quarter ng Pelicans (36-25) para sa 129-102 pag­gupo sa India­na Pa­cers (34-27).

vuukle comment

RAPTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with