^

PSN Palaro

Nambatac inilusot ang bossing sa Bolts

Pilipino Star Ngayon
Nambatac inilusot ang bossing sa Bolts
Dumiskarte si Rey Nambatac ng Blackwater kontra kay Chris Newsome ng Meralco sa kanilang laban sa PBA Philippine Cup.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kaagad nagpasiklab si Rey Nambatac para sa bago niyang koponan.

Iniskor ni Nambatac ang 25 sa kanyang career-high 27 points sa second half para itakas ang Blackwater sa Meralco, 96-93, sa pagbubukas ng Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nalampasan ng Bos­sing ang hinataw na 27 markers ni Allein Maliksi, ang 20 rito ay itinala niya sa fourth quarter, sa panig ng Bolts.

“We were able to maintain just enough, but again you can expect that from a great team like Meralco,” sabi ni coach Jeff Cariaso sa itinayong 19-point lead ng Blackwater sa fourth period.

Nagdagdag si Troy Rosario ng 15 points para sa Bossing.

Kumolekta naman si Gilas Pilipinas guard Chris Newsome ng 16 points, 7 rebounds, 6 assists at 3 steals para sa Bolts.

Isinara ng Blackwater ang first half bitbit ang 43-41 bago humataw sa third period para iposte ang 70-57 abante sa huling 1:30 minuto nito.

Tuluyan nang nabaon ang Meralco sa 19-point deficit, 67-86, matapos ang isang 14-5 atake na pinamunuan nina Nambatac at James Yap sa 7:58 minuto ng fourth quarter.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with