^

PSN Palaro

Triple-double ni Acido gumiba sa Light Bombers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Triple-double ni Acido gumiba sa Light Bombers
Ibinitin ni Lebron Jhames Daep ng Junior Altas ang kanyang tira laban sa isang Light Bombers player.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ibinaling ng University of Perpetual Help ang kanilang galit sa Jose Rizal University matapos ilista ang 102-84 panalo sa NCAA Season 99 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Kumolekta si Amiel A­cido ng triple-double na 17 points, 18 rebounds at 10 assists para sa 6-1 kartada ng Junior Altas katabla ang nagdedepensang Letran Squires.

Pinatumba ng Squires ang Arellano Braves, 106-85, sa likod ng game-high 28 points ni Daniel Padilla sa ikalawang laro.

Kumawala ang Perpe­tual, nagmula sa una nilang kabiguan, sa third period mula sa 48-43 halftime lead para ibaon ang Jose Rizal, lagapak sa 1-6, patungo sa kanilang panalo.

Nag-ambag si JD Pagulayan ng 24 points, 5 rebounds, 4 assists at 1 block para sa Junior Altas.

Samantala, kumolekta rin si Padilla ng 6 rebounds, 3 assists at 2 steals sa pang-limang dikit na pa­nanalasa ng Squires.

Nahulog ang Braves sa 1-6.

Sa unang laban, pinatumba ng San Sebastian Staglets ang College of St. Benilde Junior Blazers, 76-67, para sa kanilang 5-2 kartada.

Bagsak ang Junior Blazers sa 2-5 marka.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with