^

PSN Palaro

Quiambao pang-pro na — Kai Sotto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Quiambao pang-pro na � Kai Sotto
Kai Sotto
STAR/File

MANILA, Philippines — Kung si Kai Sotto ang ta­tanungin, handang-han­da na si reigning UAAP MVP Kevin Quiambao na sumabak sa professional basketball.

Personal na nasaksihan ni Sotto ang paglalaro ni Quiambao kung saan kita nito ang malaking improvement sa kanyang laro.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang offers na nata­tanggap ni Quiambao upang maglaro sa profes­sional leagues sa iba’t ibang bansa.

Napaulat pang nais itong kunin ng United Arab Emirates bilang naturalized player sa mga international tournaments.

Nakasama ni Sotto si Quiambao sa Inspire Sports Academy sa Ca­lamba, Laguna habang naghahanda ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

“KQ probably is the mostquiet guy on the team. I tried to talk to him, and he reached out and told me about his plans,” ani Sotto.

Ikinuwento ni Quiambao kay Sotto ang mga offers sa kanya.

Ilan dito ay natanggap na rin ni Sotto kaya’t nagbigay ito ng advice kay Quiambao.

Hindi na idinetalye pa ni Sotto ang mga payo nito kay Quiambao.

Ngunit naniniwala ito na handang handa na si Quiambao na sumabak sa mas malalaking liga.

“I’m excited for him. He’s pro-ready already. He’s a very smart player. He works hard, and I’m very excited for his next step,” ani Sotto.

Nagpasiklab si Quiambao para sa Strong Group Athletics sa Dubai International Basketball Championship sa Dubai, UAE noong Enero.

Kaya naman naging bahagi ito ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan nagtala ito ng averages na 12.5 points, 4.5 rebounds at 1.5 assists sa panalo ng tropa sa Hong Kong at Chinese-Taipei.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with