^

PSN Palaro

Eala may bagong career-high sa world rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-angat ni Alex Eala sa world rankings matapos muling kumana ng career-high sa Women’s Tennis Association (WTA).

Base sa inilabas na bagong listahan ng WTA, nasa ika-180 puwesto na si Eala mula sa kanyang dating puwesto na ika-188.

Binasag ng Asian Games bronze medalist ang kaniyang naunang career-high na 184 na naitala kamakailan.

Masayang ibinalita ni Eala ang kanyang bagong puwesto sa kaniyang social media.

Nakakalikom ng pusto si Eala dahil sa kanyang magandang performance sa mga nakalipas na torneo.

Nakaabot ito sa quarterfinals ng women’s singles sa event sa Portugal.

Sunod na sasabak si Eala sa International Tennis Federation tournament sa Slovakia.

Unang makakasagupa ni Eala si Anna Bondar sa Round of 32. 

Pakay ni Eala na makabawi sa pagkakataong ito dahil si Bondar ang nagpatalsik sa kanya sa quarterfinals sa Portugal.

Sa women’s doubles, makakapares ni Eala si Zeynep Sonmez ng Turkey.

Haharapin nina Eala at Sonmez sina Liang En Shuo ng Chinese-taipei at Tang Qianhui ng China sa Round of 16. 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with