^

PSN Palaro

Highrisers wasak sa High Speed Hitters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Highrisers wasak sa High Speed Hitters
Inatake ni Fil-Canadian Savi Davison ng PLDT ang depensa ni Norielle Ipac ng Galeries Tower.
PVL

MANILA, Philippines — Kaagad nagparamdam ng puwersa ang PLDT Home Fibr matapos gibain ang Galeries Tower, 25-22, 25-6, 25-9, sa 2024 PVL All-Filipino Conference kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Humataw si Fil-Canadian Savi Davison ng 19 points mula sa 16 attacks 2 blocks at 1 ace para banderahan ang High Speed Hitters.

Nagdagdag si Jules Samonte ng 15 markers  habang may 7 at tig-4 points sina Fiola Ceballos, Majoy Baron at Jessey De Leon, ayon sa pagkakasunod.

“Happy na first game nasalang agad iyong mga bago and naikot naman iyong mga players. So happy kami na naka-perform lahat,” sabi ni coach Rald Ricafort na nakahugot kay Kim Fajardo ng 11 excellent sets.

Pinamunuan ni Norielle Ipac ang Highrisers sa kanyang 7 points.

Matapos itakas ang 25-22 panalo sa first set ay nagdomina ang PLDT sa second frame kung saan nila itinayo ang 15-4 abante sa Galeries mula sa back-to-back aces ni Samonte.

Ang atake ni rookie Kiesha Bedonia ang naglagay sa High Speed Hitters sa set point kasunod ang napalakas na tira ni Raprap Aguilar na nagresulta sa 6-25 talo ng High­risers.

Kaagad inilista ng PLDT ang 7-2 bentahe sa third set patungo sa 18-6 pagbaon sa Galeries.

Naselyuhan ang panalo ng High Speed Hitters mula sa puwersadong tirada ni Ysabel Jimenez sa po­sesyon ng Highrisers.

Samantala, pinatumba ng Choco Mucho ang Nxled, 25-12, 25-22, 25-18, para samahan ang PLDT, Chery Tiggo at Petro Gazz sa win column.

Tumapos si Sisi Rondina na may 17 points mula sa 16 attacks at 1 ace para sa Flying Titans na nakahugot din kina Kat Tolentino, Chery Nunag at Isa Molde ng 12, 10 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with