^

PSN Palaro

Junior Altas ikinasa ang 4-0 record

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ng Uni­ver­sity of Perpetual Help ang kanilang arangkada matapos gibain ang San Be­da, 78-56, sa Season 99 junior basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Umiskor si Jan Pagula­yan ng team-high 19 points para sa 4-0 record ng Junior Altas, habang humakot si Mark Gojo Cruz ng 15 markers at 12 rebounds.

Nag-ambag si slam-dunking Lebron Jhames Da­ep ng 10 points, 6 boards, 3 steals at 1 block.

Bagsak ang Red Cubs, nakahugot kay MJ Vailoces ng 13 markers, sa 2-2.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng San Be­­da matapos magtayo ng 2-0 marka.

Inilista rin ng mainit na Ma­pua Red Robins ang 4-0 kartada matapos ang 72-57 pag­papatumba sa Jose Ri­zal Light Bombers na laglag sa 1-3.

Humataw si Lawrence Mangubat ng 25 points para banderahan ang Red Robins na hangad ang ika-21 korona.

Samantala, pinabagsak ng St. Benilde Junior Bla­zers ang Arellano Braves, 85-81, para sa unang pa­na­lo mula sa 0-3 pa­­nimula.

Tumipa si Guillian Qui­nes ng 22 points para sa Ju­nior Blazers.

vuukle comment

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with