^

PSN Palaro

La Salle, FEU magbabasagan

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ng defending champion De La Salle Uni­versity na panain ang ika-2 sunod na panalo sa pagharap nila sa Far Eas­tern University sa UAAP Season 86 women’s volleyball na lalaruin sa Smart Araneta Colisum ngayon.

Magsisimula ang paluan ng Lady Spikers at Lady Tamaraws sa alas-2 ng hapon, sunod ang gitgitan sa pagitan ng University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4.

Muling sasandalan ng Taft-based squad si reigning rookie-MVP Angel Canino upang makuha ang inaasam na panalo at manatiling malinis ang karta at masolo ang liderato.

Nakaraan lamang ay kumana si Canino ng 14 points mula sa 11 attacks at tatlong blocks para akbayan ang La Salle sa 25-16, 25-16, 25-18 panalo kontra Adamson University.

“Happy, kasi nakaka-contribute po ako sa team and natutuwa lang din naman po kasi lumalabas po yung winork hard namin nung off-season,” ani Canino.

Pero tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang Lady Spikers dahil galing din sa panalo ang Lady Tams at pareho silang nasa isip--ang kapitan ang top spot.

Sinuwag ng Lady Tams ang University of the Phi­lippines Lady Maroons, 25-23, 25-21, 25-18 sa tatlong sets.

vuukle comment

SPORTS

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with