^

PSN Palaro

PSC nagpasaklolo sa Malacañang

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na ang Philippine Sports Commission (PSC) kay Pangulong Bongbong Marcos  Jr. para resolbahan ang isyu sa World Anti-Doping  Agency (WADA).

Ito ang sinabi kahapon ni PSC chairman Richard Bachmann sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa PSC conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

“We are working with Ma­lacañang with the le­gis­lative requirements of WADA,” pahayag ni Bachmann. “The help of Malacañang is greatly appreciated.”

Makikipagpulong ang PSC chief kay Presidente Marcos sa Biyernes para solusyunan ang problema ng ahensya sa WADA.

Kinontra ng Philippine National Anti-Doping Agency (Phi-NADO), nasa ilalim ng PSC, ang akusasyon ng WADA na hindi sila sumunod sa kanilang international standard for code compliance.

Dahil dito ay ipinasa ng WADA sa Court of Arbitration for Sport (CAS) ang pagdedesisyon sa nasabing usapin.

Ang anumang desisyon ng CAS ang siyang susundin at ipapatupad ng WADA sa Pilipinas.

“Based on the code compliance, we basically need to conform with four requirements — open tes­ting distribution program, athlete’s biological passport, registration testing pool and results management,” wika ni Nathan Vasquez ng Phi-NADO sa PSA Forum na itinataguyod ng PSC, San Miguel Corp., Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart at 24/7 sports app ArenaPlus.

“We checked out on the first two, we’re halfway checking out the third and we’re now working on the fourth,” dagdag nito.

vuukle comment

MALACAñANG

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with