^

PSN Palaro

Yulo gigil na makasungkit ng medalya sa Paris

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo gigil na makasungkit ng medalya sa Paris
Carlos Edriel Yulo
STAR / File

MANILA, Philippines — Walang iba kundi Olym­pic medal ang nasa isip ni world champion Carlos Edriel Yulo na puspusan na ang paghahanda para sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo.

Kaya naman tutok na tutok si Yulo sa mga rou­­tines na gagawin nito na magiging daan para maabot ang kanyang pa­ngarap na makasungkit ng medalya sa Olympics.

“Kailangan ko na lang na maging successful ako sa routines ko dahil kapag na-prefect ko yung mga gagawin ko, susunod na yung medal,” ani Yulo.

Malulupit ang routines ni Yulo.

Mas matataas na ang degree of difficulties kum­para sa mga nakalipas na performance nito.

Kaya’t pukpukan ang pagsasanay nito upang maisakatuparan ang lahat ng kanyang plano at mailabas ang ginagawa nito sa training.

“Alam kong hindi po magiging smooth ang path sa pangarap kong makuha yung medal pero determinado ako na gawin ang lahat para makuha ko yun,” ani Yulo.

Isa sa iniingatan ni Yulo ang pagkakaroon ng injury dahil magiging malaking balakid ito sa kanyang training.

Tatlong malalaking torneo ang lalahukan ni Yulo bago ang Paris Olympics.

Sasabak ito sa dalawang legs ng World Cup habang masisilayan din ito sa aksyon sa Asian Championships.

Nakalinya rin ang trai­ning camp sa ibang bansa na lalahukan nito para mas lalong lumakas ang tsansa nito sa Olympics.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with