^

PSN Palaro

Japanese coach ni Yulo hindi pa sigurado

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang opisyal na Japanese coach si dating world champion Carlos Edriel Yulo na naghahanda para sa 2024 Paris Olympics na idaraos sa Hulyo.

Sinabi ni Yulo na hindi pa nito opisyal na coach si Japanese Tomoharu Sano na may malalim na karanasan at makatutulong sana ng malaki sa preparas­yon ni Yulo para sa Paris Olympics.

Dating miyembro ng Japanese gymnastics national team si Sano.

Ngunit ayon kay Yulo, wala pang pormal na kasunduan dahil may mga tinatapos pang obligasyon ang Japanese coach.

“Hindi pa sure. Syempre gusto namin siya pero depende pa sa availability niya dahil may mga resposibilidad pa siyang dapat gawin. Nasa kanya yung sagot,” ani Yulo.

Kasalukuyang nagsasanay si Yulo sa Gymnastics Association of the Phi­lippines (GAP) - MVPSF Gymnastics Center sa Intramuros, Manila.

Matatandaang naghiwalay na ang landas ni Yulo at dati nitong Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.

Nananatili si Kugimiya sa Philippine national team dahil hinahawakan nito ang mga miyembro ng pool kabilang na si Karl Eldrew Yulo.

Si Kugimiya ang tumu­long kay Yulo upang ma­ging world champion.

Makailang ulit itong nakasungkit ng gintong medalya sa World Championships habang humakot din ito ng ginto sa Southeast Asian Games at Asian Championships.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with