^

PSN Palaro

HD Spikers, Cool Smashers itatakda ang PVL championship showdown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
HD Spikers, Cool Smashers itatakda ang PVL championship showdown
Vanie Gandler
STAR/ File

Puntirya ng defending champion Creamline at Cig­nal na maiselyo ang ka­nilang paghaharap sa finals sa paglarga ng Game Two ng kani-kanilang best-of-three semifinals series ng 2023 PVL 2nd All-Filipino Conference sa Philsports Are­­na sa Pasig City.

Unang aarangkada ang HD Spikers laban sa Choco Mucho Flying Titans nga­yong alas-4 ng hapon, habang haharapin naman ng Cool Smashers ang Chery Tiggo Crossovers sa alas-6 ng gabi.

Nahablot ng HD Spi­kers ang 1-0 bentahe sa serye matapos itarak ang 18-25, 23-25, 25-14, 25-19, 15-10 panalo sa Flying Ti­tans noong Huwebes.

“We already know that this semifinals series will just have a one day interval for each game so we’re prepared for this. But we really need to recover well after this five-set battle,wika ni HD Spikers head coach Shaq Delos Santos.

Bumandera sa panalo si outside hitter Ces Molina na humataw ng 23 points kasama ang 19 excellent digs at 16 receptions ka­tu­wang si Vanie Gandler pa­ra sa HD Spikers.

“We’re going to stick with our game plan and study our opponents. For sure, my players have some suggestions in our plans of attack where we can score more points,” dagdag ni Delos Santos.

Mas madali naman ang naging daan ng Cool Sma­shers na kinailangan lamang ng tatlong sets pa­­ra patumbahin ang Crossovers sa hiwalay sa se­mis match, 25-18, 27-25, 25-22.

Wala pa ring bahid ang rekord ng Cool Sma­shers na sumulong sa 12-0 rekord sapul noong ele­minasyon.

Ngunit hindi pa tapos ang laban.

Nais nina Creamline aces Alyssa Valdez at Je­ma Galanza na mas ma­ging agresibo sila para ma­siguro ang finals seat.

“The series is not over in just one game. We still need to work to win the series and improve ourselves. That’s what the coaches have been instilling on us, don’t settle,” ani Valdez.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with