^

PSN Palaro

HD Spikers naagaw ang No. 3 semis seat sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
HD Spikers naagaw ang No. 3 semis seat sa PVL
Ang hataw ni Roselyn Doria ng Cignal laban kay Kimberly Manzano ng Gerflor.
PVL photo

MANILA, Philippines — Mabilis na napatumba ng Cignal HD ang Gerflor matapos itarak ang 25-22, 25-11, 25-10 demolisyon upang masikwat ang huling ti­ket sa semis sa Premier Volleyball League (PV) Second All-Filipino Confe­rence kaha­pon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maganda ang hugot ng HD Spikers kay Gen Casugod na kumana ng siyam na puntos upang tulungan si outside hitter Ces molina na nakagawa rin ng siyam na hits.

Nagdagdag naman si Vanie Gandler ng walong puntos, samantalang may pitong markers si Jovelyn Gonzaga para sa HD Spikers.

Nakaatake nang husto ang HD Spikers sa tulong ni playmaker Gel Cayuna na nagrehistro ng 16 excellent sets kasama ang limang puntos na nagawa nito.

“Sakto lang na nakapa­sok kami sa semis. But da­pat pang magtrabaho at doon semis kami pupukpok talaga,” ani Cayuna.

Umangat sa 8-3 rekord ang Cignal para masiguro ang pagpasok sa semis.

Kasosyo nito sa No. 3 spot ang Chery Tiggo na may parehong kartada.

Subalit hahawakan ng HD Spikers ang third seed sa semis, habang bagsak sa No. 4 seed ang Crossovers.

Nauna nang nakapasok sa semis ang nagde­de­­pensang Creamline at Choco Mucho.

vuukle comment

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
By Abac Cordero | 19 hours ago
19 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with