^

PSN Palaro

Quiambao tutok sa UAAP crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Quiambao tutok sa UAAP crown
Kevin Quiambao looked mortal against UP on Wednesday night, finishing with just 11 points, six rebounds, three assists and a steal.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Napasakamay na ni De La Salle University ace player Kevin Quiambao ang MVP crown ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Ngunit hindi pa ito kuntento.

Nais ni Quiambao na makuha ng kanilang tropa ang kampeonato sa oras na makasagupa ng La Salle ang University of the Philippines sa Game 3 ng best-of-three championship series bukas.

Mas importante kay Quiambao ang korona kesa sa MVP award.

Kaya naman ibubuhos nito ang lahat para masi­guro na matutulungan nito ang Green Archers sa tangkang maibalik ang titulo sa kanilang teritoryo.

“I’m really happy that I won the MVP award but my main goal is to win the championship,” ani Quiambao.

Si Quiambao ang u­nang Pinoy player na nakasungkit ng MVP award sapul noong 2015 nang manalo si dating Ateneo standout Kiefer Ravena.

“I wasn’t experiencing what they call MVP jitters, I wasn’t thinking about that. I was just focused on Game Two and I told myself that we can’t afford to lose this game. We were beating each other up during our previous practices. It was like tough love,” ani Quiambao.

Subalit hindi ito ma­gagawa ni Quiambao ng mag-isa. Kailangan nito ng suporta mula sa kanyang teammates.

Kabilang na rito sina Mythical Team member Evan Nelle, Francis Escandor at Joshua David na maganda ang inilaro sa Game 2.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with