^

PSN Palaro

Beltran, Castillo, Arcano kampeon sa PSA Cup

Pilipino Star Ngayon
Beltran, Castillo, Arcano kampeon sa PSA Cup
Ginawa ni Manila Southwoods general manager Jayson Yu ang ceremonial drive para sa pagsisimula ng ninth PSA Golf Cup.

MANILA, Philippines — Humataw si Musong Castillo ng Philippine Daily Inquirer ng isang two-under 70 sa ilalim ng System 36 format para angkinin ang overall title sa ninth Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup noong Biyernes sa Manila Southwoods Golf and Country Club sa Carmona, Cavite.

Sinandalan ng assistant sports editor ng PDI ang kanyang key birdie sa par-3 No. 16 ng Le­gends course para talunin sina Jong Arcano at Dr. Ian Laurel sa pagbabalik ng annual tournament na pinamahalaan ng Manila Southwoods.

Naglista sina Castillo, Arcano at Dr. Laurel ng magkakaparehong one-under par cards patungo sa mga huling butas.

Kinopo ni Arcano ng Inquirer Golf ang Class A crown sa kanyang par 71 habang inungusan ni Jun Engracia si Dodo Catacutan ng spin.ph para sa ikala­wang puwesto via countback matapos magtabla ang dalawa sa 72.

Hinirang na kampeon si PSA president at The Philippine STAR sports editor Nelson Beltran sa Class B sa bisa ng kanyang 81.

Si Dr. Laurel ang bumandera sa sponsors and friends division kasunod si PFF secretary-general Coco Torre na inunahan si PFF president Nonong Araneta para sa second place.

Sumegunda si Daily Tribune golf editor Marc Reyes sa Class B matapos biguin si Aldrin Quinto ng spin.ph via countback sa torneong sinuportahan ng ICTSI, San Miguel Corp., Philippine Football Fede­ration, Philippine Airlines, Rain or Shine, NorthPort, Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League, ni Sen. Chiz Escudero, ng Milo Best Center, Akari, Aces, Shakey’s, ni Batangas Rep. Eric Buhain at ng MacBeth.

vuukle comment

GOLF

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with