NLEX tumukod sa Terrafirma

MANILA, Philippines — Itinakas ng Terrafirma ang dramatikong 113-112 panalo laban sa NLEX sa Season 48 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Ito ang ikalawang sunod na pamamasada ng Dyip sa tatlong laro habang bigo ang Road Warriors sa hangad na back-to-back wins para sa 1-2 marka.
Ang mintis na ikalawang free throw ni NLEX import Thomas Robinson sa huling 1.3 segundo ng fourth period ang naglusot sa panalo ng Terrafirma.
Nagpaputok si Javi Gomez De Liaño ng career-high 31 points tampok ang apat na three-point shots at kumolekta si import Thomas De Thaey ng 23 markers, 16 rebounds at 2 blocks.
“It’s all about stepping up. I’ve got to make sure that I deliver everytime I step on the court,” ani De Liano. “It just shows that we wanted to win this game. I really think that we can make it all the way to the playoffs.’
Nagdagdag si No 1 overall pick Stephen Holt ng 21 points, 6 boards at 6 assists para sa Dyip.
Kinuha ng NLEX ang 53-51 halftime lead hanggang agawin ng Terrafirma ang 110-102 lead sa huling 1:28 minuto ng fourth quarter galing sa triple ni Holt.
Nakatabla ang Road Warriors sa 111-111 mula kina Robinson, Trollano at Kris Rosales sa nalalabing 10 segundo kasunod ang putback ni Aldrech Ramos para sa 113-111 bentahe ng Dyip sa huling 3.7 segundo.
Ang foul ni Andreas Cahilig kay Robinson ang naglagay sa dating NBA player sa foul line sa huling 1.3 segundo, ngunit mintis ang ikalawa niyang free throw.
- Latest