^

PSN Palaro

Ateneo nakatuon sa pagsosolo sa 4th spot

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangan ng defen­ding champions Ateneo De Manila University na ma­ging agresibo sa opensa si­na Mason Amos Joseph Obasa at Jared Brown sa pagharap sa National Uni­versity sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Makikipag-agawan sa No. 4 spot sa team stan­dings ang Blue Eagles sa Adamson Soaring Falcons ta­ngan ang parehong 4-5 kartada.

Magsisimula ang ba­natan ng Ateneo at NU nga­yong alas-4 ng hapon ma­tapos ang bakbakan sa pagitan ng Adamson Uni­versity at University of Sto. Tomas sa alas-2.

Tersero ang De La Salle University na may 6-3 baraha kaya naman kailangan ng Ateneo na makuha ang panalo.

Sina Amos, Obasa at Brown ang posibleng pag­huhugutan ng puwersa ni coach Tab Baldwin para mapalakas ang pagdepen­sa sa kanilang titulo.

Pero inaasahang ma­papalaban ang Blue Eagles sa Bulldogs dahil na­sa isip ng huli na makaba­wi mula sa pagkabigo sa Green Arcgers, 78-88, sa huli nilang laro.

Ipaparada ng Bulldogs sina Jake Figueroa at Pat Yu para ibangga sa mga tirador ng Blue Eagles.

Nasa pangalawang puwesto ng team standings ang NU na may 7-2 marka.

vuukle comment

ATENEO

MOA

NU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with