Ready or not
In top shape na kaya si June Mar Fajardo para sa FIBA World Cup na gaganapin dito sa bansa sa August?
‘Yan ang big question mark.
Na-injure si Fajardo sa EASL Champions Week sa Japan last March. MCL sa tuhod at dehins pa siya nakakalaro sa actual game mula noon.
Kaya ang tanong ngayon eh kung fully recovered na siya habang papalapit ang World Cup.
Sabi ni San Miguel coach George Gallent, nakakasali na si Fajardo sa team practice pero dehins pa in full force.
Pwede mag-shooting or warmup or kung half-court scrimmage. Pero pag full speed na ang practice, upo muna siya sa bench.
Maraming umaasa na payagan na ng mga doktor si Fajardo na makalaro para once mag-start ang Gilas practices para sa World Cup, pwede na siya sumabak.
Sayang kasi kung wala si Fajardo sa Gilas lineup para sa World Cup kung saan makakalaro natin dito sa Pinas ang Italy, Angola at ang Dominican Republic sa group stage.
Binubuo na ang pinakamalakas na Gilas team para sa World Cup at inaasahan dito ang NBA star na si Jordan Clarkson, ang 7-foot-3 na si Kai Sotto and the best.
Nagdadasal pa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na payagan si Justin Brownlee makalaro for Gilas bilang local.
Basta. Ang order ng SBP -- form the best team possible.
Sana nandun si Fajardo.
- Latest