Nuggets pinalamig ang Heat sa opener

DENVER - Kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 27 points, 14 assists at 10 rebounds sa kanyang NBA Finals debut para pamunuan ang Nuggets sa 104-93 dominasyon sa Miami Heat sa Game One ng kanilang best-of-seven championship series.
Ang nasabing performance ang inasahan ni head coach Michael Malone mula sa kanyang two-time NBA MVP.
“Nikola never tries to impose his will or force things that aren’t there. He’s going to read the game. He’s going to make the right play. Most importantly he’s going to make every one of his teammates better,” ani coach Michael Malone kay Jokic.
Ayon sa Serbian center, hindi na niya kailangang umiskor ng malaki para manalo ang kanyang tropa.
“I don’t need to shoot and I know I don’t need to score to affect the game,” sabi ni Jokic.
Nagdagdag si Jamal Murray ng 26 points at 10 assists para sa 1-0 lead ng Denver sa kanilang serye ng Miami.
Umiskor naman si Aaron Gordon ng 16 markers at may 14 points si Michael Porter Jr.
Nakatakda ang Game Two bukas.
Ito ang unang NBA Finals appearance ng Nuggets matapos ang 47 taon at hindi nila binigo ang kanilang mga fans.
Sa katunayan ay nagposte sila ng 24-point lead sa third period sa Heat na nakalapit sa 74-84 sa pagsisimula ng fourth quarter.
Tumapos si Bam Adebayo na may 26 points at 13 rebounds para sa Miami, habang may 19, 18 at 14 markers sina Gabe Vincent, Haywood Highsmith at Jimmy Butler, ayon sa pagkakasunod.
“They did their job on their home floor, you have to say that, but we will be ready,” wika ni Butler. “We will adjust, and we will do some things very differently and come out here and be ready to give more for game two.”
Sa likod ng 10 points at 10 assists ni Jokic ay kinuha ng Denver ang 59-42 kalamangan sa halftime.
Bukod sa depensa ng Nuggets ay problema rin ng Heat ang kanilang outside shooting na nagamit nila sa pagsibak sa Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Conference finals.
May 0-of-9 shooting si Max Strus sa three-point line, habang nagtala si Caleb Martin ng 1-for-7 clip.
“But that’s the only way you’re going to learn from it,” ani Butler na may masama ring 6-of-14 field goal shooting.
- Latest