Men’s 3x3 team wagi sa Para Games
PHNOM PENH — Magarbong sinimulan ng national men’s 3x3 team ang kampanya ng Pilipinas sa 2th ASEAN Para Games matapos gibain ang Indonesia, 11-5, kahapon sa Elephant Hall A ng Morodok Techo National Stadium.
Nagtuwang sina Kenneth Tapia, Alfie Cabanos, Cleford Trocino, JR Escalante at Rene Macabenguil para sa kanilang panalo.
Sunod nilang haharapin ang host Cambodia, Thailand at Malaysia.
Hangad nilang masikwat ang gold matapos ang silver-medal finish noong nakaraang taon sa Surakarta, Indonesia.
Bago ito ay isang ceremonial flag ceremony muna ang idinaos na dinaluhan ng mga pangulo ng National Paralympic Committees, Chiefs of Mission at ilang atleta mula sa 11 bansa ksama sina Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo at PSC Commissioner at CDM Walter Torres.
Samantala, pamumunuan ni Surakarta Para Games quadruple gold winner Sander Severino ang laban ng chess team na magsisimula ngayon.
Bubuksan din ang mga aksyon sa 12 events kasama ang medal-rich athletics at swimming.
Kabuuang 24 ginto naman ang pag-aagawan sa track and field kung saan 23 Pinoy bets ang sasalang.
- Latest