^

PSN Palaro

Foton hahataw sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Foton hahataw sa PVL
Pormal nang inihayag ng pamunuan ng Tornadoes ang pag-entra nila sa PVL sa kanilang mga social media account.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mas magiging matindi ang bakbakan sa Premier Volleyball League (PVL) sa pagpasok ng Foton Tornadoes na dating kampeon sa Philippine Superliga.

Pormal nang inihayag ng pamunuan ng Tornadoes ang pag-entra nila sa PVL sa kanilang mga social media account.

“Ready to take the court by storm. After four years, we’re making our club volleyball comeback! Stay tuned for more details,” ayon sa post ng Tornadoes.

Wala pang linaw kung sa Invitational Conference sila papasok o sa kasunod na kumperensiya na Reinforced Conference.

Ang Foton Tornadoes ay sister team ng Chery Tiggo Crossovers.

Usap-usapan na sa social media na hahatiin ang kasalukuyang lineup ng Crossovers upang makabuo ng bagong team sa ila­lim ng Tornadoes.

Ngunit wala pang opis­yal na pahayag ang Foton ukol sa bubuo ng kanilang lineup.

Ilan sa mga naglabasang ulat ang pagbabalik ni top spiker Jaja Santiago matapos siyang mapanood na nagsasanay kasama ang Chery Tiggo.

Hindi na bago ang Foton sa volleyball community.

Ilang beses na silang gumawa ng ingay sa PSL.

Dalawang beses na silang nagreyna sa PSL.

Ang una ay noong 2015 Grand Prix kasama si Santiago at sina American imports Lindsay Stalzer at Katie Messing.

Naulit ito ng Tornadoes noong 2016 Grand Prix ka­sama pa rin sina Stalzer at Santiago at bagong import na si Ariel Usher.

Ang Foton ang magiging pang-11 team sa PVL.

Dalawang bagong teams din ang magpapasik­lab sa Invitational Confe­rence sa katauhan ng Gerflor at Farm Fresh.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with