^

PSN Palaro

National keglers kumana ng 3 ginto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
National keglers kumana ng 3 ginto
Umarangkada sina Ja­mie Manginga, Christopher Chiu Yue at Angelito Guloya para maibigay ang gintong medalya sa Pinoy squad.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Humakot ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa Asian Para Tenpin Bow­ling Championships na ginanap sa Belair Bowling Centre Shatin sa Hong Kong.

Umarangkada sina Ja­mie Manginga, Christopher Chiu Yue at Angelito Guloya para maibigay ang gintong medalya sa Pinoy squad.

Mainit si Manginga na tu­miyak ng dalawang gin­tong medalya sa men’s TPB8 (wheelchair) singles at men’s all-events.

Nakalikom si Manginga ng1,067 pinfalls mula sa 198, 200, 182, 253, 245 at 189 na produksiyon nito sa anim na laro para angkinin ang gintong medalya sa singles.

Nasiguro ng Pilipinas ang 1-2 punch matapos kubrahin ni Augusto Hernandez ang pilak na medalya sa bendisyon ng nakuha nitong 1,066 pinfalls (201, 168, 186, 168, 153 at 190).

Napasakamay din ni Manginga ang ginto sa all-events bunsod ng nailista nitong 2,684 pinfalls galing sa 1,067 sa singles, 931 sa doubles at 686 sa trios.

Kinuha ni Hernandez ang tanso sa pinagulong na 2,594 pinfalls mula sa 1,066 sa singles, 898 sa doubles at 630 sa trios.

Nagsanib-puwersa naman sina Yue at Guloya para ibulsa ang ginto sa doubles event sa pinagsamang 2,302 pinfalls sa TPB9+TPB9 doubles.

Naglagak si Yue ng 1,254 (189, 205, 210, 236, 22 at 202) habang kumana si Guloya ng 1,048 (202, 128, 237, 211, 245 at 125).

Sa kabuuan ay may tatlong ginto, tatlong pilak at apat na tansong medalya ang Pilpinas para makuha ang ikaapat na puwesto sa medal tally.

vuukle comment

TENPIN BOW­LING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with