^

PSN Palaro

Abando handa rin sa Gilas call up

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Abando handa rin sa Gilas call up
Rhenz Abando with Gilas Pilipinas in the 2022 FIBA Asia Cup in Jakarta
FIBA

MANILA, Philippines — Susunggaban agad ni dating NCAA MVP Rhenz Abando sakaling hugutin ito para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2023 FIBA World Cup na lalarga sa Agosto 25 hanggang Set­yembre 10.

Aminado si Abando na isang malaking karangalan ang makapaglaro suot ang national team jersey sa isang international tournament.

Partikular na ang FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas at lalahukan ng pinakamahuhusay na basketball players mula sa iba’t ibang bansa.

Kaya naman kung ma­bibigyan ito ng pagkakataon, walang duda na kakagatin agad ito ni Abando.

“Waiting lang po ako sa call up. Isang malaking karangalan ang makapag­laro sa Gilas Pilipinas,” ani Abando.

Kasalukuyang miyembro si Abando ng Anyang KGC na naglalaro sa Korean Basketball League. 

Mayroon itong dala­wang taon na kontrata doon.

Maningning ang u­nang season ni Abando sa Korea dahil tinulungan nito ang Anyang na masikwat ang korona sa Korean Basketball League.

Suportado ng Anyang ang pangarap ni Abando na maglaro sa Gilas.

At kung papalaring maging bahagi ng national team, sinabi ni Abando na susuportahan ito ng Anyang.

Kailangan lang aniyang magpaalam  sa pamunuan ng Anyang upang mabig­yan ito ng pahintulot.

Wala pang inilalabas na listahan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung sinu-sino ang mga pasok sa Gilas Pilipinas pool.

Nauna nang sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na may 18 hanggang 25 players ang nais nitong isama sa pool upang maging malawak ang pagpipilian nito para sa Final 12.

Nangunguna na sa pool sina naturalized player Justin Brownlee at NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Ngunit base sa patakaran ng FIBA, isa lamang kina Brownlee at Clarkson ang maaaring sumabak sa FIBA World Cup.

vuukle comment

FIBA

RHENZ ABANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with