^

Kutob

Mayo 23, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Isang suliranin ang darating. Kakaila-nganin mong mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Huwag dayain ang puso. Maging totoo at tapat sa sarili. Mada-ling kitain ang pera kung masisipag ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal gayunpaman darating ito sa tamang panahon at oras. Huwag kang mainip. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 29, 37 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasan ang makipagtalo sa magulang at mga kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 21, 24 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi binibi-gay, ito ay pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga nakaka-angkat sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 33, 40 at lemon green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Aakuin mo ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid. Nakatakda kang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Nasa halamang-gamot ang lunas sa iyong karamdaman. Magi-ging balakid sa pag-asenso ang pangamba. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 27 at apple green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masakit ang iyong ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat. Tantanan ito kung ayaw mo mauwi sa pagpapaospital. Lucky numbers at color for the day ang 7, 29, 31, 44 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Matinding selos ang ma-raramdaman. Ito ay bu-nga ng pakikipagkaibigan ng minamahal sa isang mayamang tao. Kalma lang! Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maluwag ang iyong dibdib dahil sa ginawa mong pagpapatawad sa taong may mala-king pagkakasala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 38 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Mataas ang pangarap mo.  Kung paano mo ito sisimulan, mala-king palaisipan sa’yo. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at ocean blue.  

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Makakatanggap ka ng malungkot o masayang balita sa pamamagitan ng text. Alaming mabuti bago magpaapekto. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magkakaroon ng kaun-ting problema sa pananalapi. Umiwas sa mataong lugar lalo na’t madilim ang kapaligiran. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 28, 35 at orange.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with