^

PSN Palaro

Gilas 3x3 men’s sibak na

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sibak na sa kontensyon ang Gilas Pilipinas 3x3 men’s habang nanga­nganib din ang Gilas women’s sa 2023 FIBA 3x3 Asia Cup kahapon sa Singapore.

Bigo ang Gilas men’s na maka-iskor ng panalo sa Pool D habang tiklop naman sa unang salang ang Gilas women’s sa Pool A para sa maalat na kampanya sa Asian 3x3 continental tilt.

Unang kinapos ang No. 4 na Gilas men’s tampok sina Almond Vosotros, Brandon Bates, Jorey Napoles at Samboy De Leon sa wildcard team na Iran, 11-14, bago tumirik uli kontra sa No. 5 na Qatar para sa 0-2 kartada tungo sa maagang exit sa preliminary action pa lang.

Nauwi sa wala ang 9 puntos ng PBA 3x3 scoring champion na si Vosotros sa dikit na kabiguan kontra sa Qatar habang naglista ng 5 puntos si Bates laban sa Iran, na winalis ang qualifiers upang makapasok sa main draw.

Tanging ang top 2 teams lang ng kada grupo ang aabante sa knockout quarterfinals na hindi naabot ng Gilas men’s ngayon matapos ang semifinal finish noong nakaraang edisyon tampok ang higanteng upset kontra sa No.1 na Mongolia.

Maging ang sitwasyon ng No. 9 Gilas women’s nina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Khate Castillo at Clare Castro ay delikado matapos ang 10-19 na kabiguan kontra sa No. 1 na China.

Napurnada ang 4 points ni Bernardino para sa Filipinas, na kinaikailangang manalo kontra sa No. 7 na Iran as of press time upang mapanatiling buhay ang pag-asa. 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with