^

PSN Palaro

Gilas men’s 3x3 sasabak agad sa aksyon

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Unang makikilatis ang Gilas Pilipinas men’s 3x3 team ngayon bago ang women’s squad bukas sa pag-arangkada ng 2023 FIBA 3x3 Asia Cup main draw sa Singapore.

Haharang sa daan ng No. 4 Gilas men ang winner ng Qualifying Draw D sa alas-3:15 ng hapon bago sagupain ang Qatar sa alas-8:15 ng gabi sa Pool D main draw action.

Hindi pa alam sa idinaraos na qualifiers tampok ang Malaysia, Iran, Hong Kong at Brunei kung sino ang kukumpleto sa Pool D.

Bukas naman sasalang ang No. 10 Gilas women kontra sa No. 1 na China sa alas-2:50 ng hapon at laban sa No. 8 Iran sa alas-6:15 ng gabi sa Pool  A main tournament ng women’s division.

Hangad ng Gilas men na maulit o kaya ay lagpasan ang semifinal finish noong nakaraang edisyon habang misyon ng Gilas women na makarating sa playoffs matapos masibak sa qualifiers.

Kailangan ng Gilas teams na makakuha ng Top Two finish sa kanilang mga grupo para makaabante sa knockout quarterfinals.

Tatrangko sa Gilas men sina PBA 3x3 scoring champion Almond Vosotros at Samboy de Leon ng grand slam champion na TNT Tropang Giga kasama sina Jorey Napoles ng Cavitex at Brandon Bates ng Platinum Karaoke.

Sa Gilas women ay babandera sina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Khate Castillo at Clare Castro.

vuukle comment

FIBA 3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with