^

PSN Palaro

Ginebra dikit na sa Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra dikit na sa Finals
Kumawala si Aaron Black ng Meralco mula sa mala-lintang depensa ni Jayson Castro ng TNT sa Game 2.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng nagdedepensang Barangay Ginebra para sa ikalawang sunod na PBA Finals appearance.

Pinatumba ng Gin Kings ang San Miguel, 121-103, para iposte ang 2-0 bentahe sa 2023 PBA Governors’ Cup semifinals series kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Humakot sina import Justin Brownlee at Christian Standhardinger ng tig-32 points para sa ikalawang dikit na paggupo ng Ginebra sa SMB matapos ang 121-112 panalo sa Game One.

Kumolekta si Scottie Thompson ng triple-double na 21 points, 11 boards at 11 assists bukod sa 3 steals at 2 blocks para sa Gin Kings na binuksan ang laro sa 18-1.

Lalo pang nabaon ang SMB sa 96-72 sa pagbubukas ng fourth quarter at hindi na nakabalik sa laro.

Sa unang laro, kumamada si import KJ McDaniels ng 39 points at humugot si Aaron Black ng anim sa kanyang 28 mar­kers sa extra period para tulungan ang Meralco sa 124-117 pagresbak sa TNT  Tropang Giga sa Game Two ng kanilang serye.

Nagmula si Mc­Daniels sa mahinang 12-point performance sa 80-110 pagkatalo sa series opener para itabla ang Bolts sa 1-1 sa kanilang bakbakan ng Tropang Giga.

Nagtuwang sina Black at Cliff Hodge, nag-ambag ng 15 points, sa overtime para sa 122-114 bentahe ng Bolts sa Tropang Giga sa huling 2:11 minuto.

Ang slam dunk ni McDaniels, kumolekta rin ng 20 rebounds, 4 assists at 3 blocks, sa natitirang 10 segundo ang sumelyo sa panalo ng Meralco.

Humataw si Mikey Williams ng 29 points kasama ang anim na triples para banderahan ang TNT.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with