Nuggets sinapawan ang Bucks
DENVER — Kumolekta si Nikola Jokic ng 31 points at 11 assists habang umiskor ng 26 markers si Jamal Murray sa 129-106 pagsapaw ng Nuggets sa Milwaukee Bucks sa season showdown ng NBA conference leaders.
Nag-ambag si Michael Porter Jr. ng 19 points para sa West-leading na Denver (50-24).
Binanderahan naman ni Giannis Antetokounmpo ang east-leading na Milwaukee (53-20) sa kanyang 31 points at 9 rebounds.
Umiskor ang Nuggets ng 34 points sa third quarter kung saan nila nilimitahan ang Bucks sa 19 markers para kunin ang 97-85 abante patungo sa 111-91 lead sa fourth period.
Sa Sacramento, umiskor si Kevin Huerter ng 27 points sa 121-113 paggiba ng Kings (45-29) sa Utah Jazz (35-39).
Sa Phoenix, nagposte si Bismack Biyombo ng 17 points, 13 rebounds at 5 blocks at may 29 markers si Devin Booker sa 125-105 pagsunog ng Suns (39-35) sa Philadelphia 76ers (49-25).
Sa Miami, naghulog si Mikal Bridges ng 27 points sa 129-100 pagpapalamig ng Brooklyn Nets (40-34) sa Heat (40-35).
- Latest