^

PSN Palaro

La Salle malinis pa rin!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamayagpag ng De La Salle University matapos muling patumbahin ang defending champion National University, 26-24, 26-24, 25-16, upang manatiling malinis ang rekord nito sa UAAP Season 85 women’s volleyball tournament kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Solidong laro ang inilatag ng Lady Spikers upang mabilis na pigilan ang Lady Bulldogs at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno tangan ang 8-0 rekord.

Magandang panalo ito para sa La Salle dahil nakabalik na sa coaching staff si head coach Ramil de Jesus na nasilayan sa unang pagkakataon sa season na ito.

“Wala kami binago, nag-focus lang kami sa system namin. Nandito si coach Ramil (de Jesus) ganado kami dahil nandito siya. Hindi niya sinabi na pupunta siya ngayon, nagulat kami na nandiyan siya kanina,” ani La Salle outside hitter Jolina Dela Cruz

Winalis ng La Salle ang NU sa dalawang asignatura nito sa eliminasyon sa season na ito.

Bumagsak ang NU sa 5-3 marka.

Sa unang laro, nakabalikwas agad ang Adamson University sa mabagal na simula upang dagitin ang 11-25, 25-21, 25-13, 25-22 panalo kontra sa University of Santo Tomas.

Naglatag ng all-around game si rookie Trisha Tubu na kumana ng 21 puntos mula sa 15 attacks at anim na blocks para buhatin ang Lady Falcons sa ikaanim na panalo sa walong laro.

“Hindi naman magpapatalo ang UST buti nakuha pa rin namin. First set medyo kulang buti nagrespond yung team second to fourth,” ani Adamson head coach Jerry Yee.

Nagdagdag naman si Lucille Almonte ng siyam na puntos, 13 digs at apat na receptions gayundin si Kate Domingo na may siyam na puntos at tatlong receptions.

Bagsak sa 5-3 ang Golden Tigresses.

Sa ikalawang laro, nanaig ang Ateneo de Manila University sa University of the East, 25-16, 25-23, 22-25, 25-19, para umangat sa 3-5 baraha.

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with