^

PSN Palaro

Malinis na rekord itataya ng La Salle vs NU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itataya ng De La Salle University ang malinis na rekord nito sa pagsagupa sa reigning champion National University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 85 women’s volleyball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Haharapin ng Lady Spikers ang Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon habang nakatakda ang engkuwentro ng Adamson University at University of the Philippines sa alas-12 ng tanghali.

Hawak ng La Salle ang imakuladang 6-0 rekord nito kung saan pakay ng tropa na makabawi sa NU na tumalo sa kanila sa finals ng nakalipas na season.

Ngunit iba na ang Lady Spikers ngayon dahil nariyan na si super rookie Angel Canino na pangunahing inaasahan ng Taft-based squad.

Makakatuwang ni Canino sa opensa sina Jolina Dela Cruz, Thea Gagate, Baby Jyne Soreno at Fifi Sharma na umiskor ng anim na blocks sa kanilang huling laro.

“What I’ve been telling them is that if we can get our points on the service and blocking departments, why wouldn’t we? And why would we make it hard for our spikers? We should banked on our strength which is blocking,” ani La Salle interim coach Noel Orcullo.

Galing ang La Salle sa 22-25, 25-14, 25-16, 25-19 panalo sa Adamson noong Linggo para mapanatilong malinis ang kanilang rekord.

Tiwala naman si Canino na makapagbibigay ng magandang laban ang kanilang tropa sa pagkakataong ito kumpara sa nakaraang season.

vuukle comment

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with