^

PSN Palaro

Tambalan ng NBA at Foodpanda selyado na

Pilipino Star Ngayon
Tambalan ng NBA at Foodpanda selyado na
Nasa larawan sina Mae Dichupa, Senior Director, Global Marketing Partnerships, NBA Philippines, Hubert Lim, Director, Global Marketing Partnerships, NBA Asia, Amer Bakshi, Head of Strategic Partnerships, foodpanda Philippines, Lorelei Olalia, Head of Integrated Marketing Communications, foodpanda Philippines.

MANILA, Philippines — Naselyuhan ang marketing partnership ng National Basketball Association (NBA) at ng foodpanda, ang nangungunang online quick commerce digital platform sa Asia.

Ang foodpanda ang magiging opisyal na Online Food Delivery Platform Partner ng NBA sa Pilipinas.

Inihayag ang tambalan kasabay ng paghahanda para sa 72nd NBA All-Star Game noong Sabado sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay na dinaluhan nina NBA Philippines Senior Director of Global Marketing Partnerships Mae Dichupa at foodpanda Philippines Director for Growth Guilherme Porto.

“We’re excited to welcome foodpanda to the NBA family and to deepen our engagement with our passionate Filipino fans by leveraging foodpanda’s avid subscriber base,” ani Dichupa.

Sumali sa naturang programa ang ilang basketball aficionados, foodpanda App users, foodpanda delivery riders at pro players na sina Isaac Go at Mark Barroca para sa basketball clinics, shooting contest at iba pa.

Magsisilbi rin ang foodpanda bilang opisyal na partner ng NBA 3X3 Philippines na handog ng Mountain Dew.

Ngayong season ay magho-host ang foodpanda ng serye ng mga public viewing party sa mga piling NBA tentpole event at magkakaroon ng virtual on-court signage sa mga piling NBA broadcast sa TV5 at One Sports.

Maglulunsad din ang foodpanda ng mga promosyon na magbibigay sa mga user ng foodpanda sa Pilipinas ng pagkakataong manalo ng mga tunay na premyo sa NBA.

“Filipinos are known for their immense passion for basketball, and in the same way that the NBA is among the most popular sports leagues in the country, we’re committed to shaping foodpanda as the preferred choice of local consumers for online food delivery,” ani Porto.

Maaaring i-download ang opisyal na foodpanda App sa pamamagitan ng App Store at Google Play at bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook, Twitter at Instagram para sa pinakabagong mga balita at mga handog.

vuukle comment

FOODPANDA

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with